# Impormasyon sa posisyon
# Pagtiyak para makatakas sa baha / pagguho ng lupa
- Titiyakin kung maaaring manatili o hindi sa oras ng malawakang pagbaha batay sa pinili ninyong lugar at istraktura ng gusali kung saan mananatili.
- Kapag pinili ang istraktura ng gusali (yari sa kahoy o hindi yari sa kahoy) at bilang ng palapag sa gusali (bilang ng palapag ng nakabukod na gusali o palapag ng tinitirahang housing complex), ipapakita ang resulta ng pagtiyak.
Mangyaring kumilos ayon sa sarili ninyong pagpapasya
Binatay lamang ang resulta ng pagtiyak sa isang tinaya at kinalkulang senaryo. Dahil maaaring hindi mangyari ang aktuwal na pagbaha tulad nito, mangyaring bigyan ng pansin ang impormasyon tungkol sa panahon, impormasyon sa taas ng tubig, impormasyon sa paglikas, at iba pang kalagayan sa inyong paligid, at kumilos nang nararapat ayon sa sarili ninyong pagpapasya.
# Timing para makatakas sa tsunami
- Ipinahihiwatig nito ang timing para makatakas batay sa tiinatayang oras ng pagdating ng tsunami dulot ng Nankai Trough Megaquake.
- Ang lugar na kasalukuyan ninyong pinili ang lugar kung saan magsisimulang lumikas. Kapag pinili ang lugar na paglilikasan, ipapakita ang oras kung kailan kailangang lumikas para matapos ang paglikas bago dumating ang tsunami.
- Kung lugar na hindi malulubog ang lugar na paglilikasan, mangyaring piliin bilang lugar na paglilikasan ang lugar na malulubog sa rutang pinakamalapit sa lugar na paglilikasan.
- Kinalkula mula sa pinakamaikling ruta hanggang sa lugar na paglilikasan ang awtomatikong ise-set na oras ng paglalakbay. Maaaring baguhin nang malaya ang layo at oras para sa paglikas.
Mangyaring kumilos ayon sa sarili ninyong pagpapasya
- Hindi rito sinusuri ang kaligtasan ng lugar na paglilikasan.
- Mangyaring ipalagay lamang bilang gabay sa timing para simulan ang paglikas. Sa aktuwal na paglindol, mangyaring simulan ang paglikas sa lalong madaling panahon.
# Baha
- Ipapakita ang maximum na lalim ng pagkalubog at oras ng patuloy na pagkalubog sa baha (tinatayang maximum na scale lamang) na tinantiya mula sa mapa ng mga pook na tinatayang malulubog sa baha na nakabukod ayon sa ilog, at scale ng baha.
# Tsunami
- Ipapakita ang maximum na lalim ng pagkalubog at oras ng pagdating ng tsunami dulot ng Nankai Trough Megaquake.
- Ipapakita ang mga pook na sakop sa paunang paglikas sa oras na inanunsyo ang emergency information tungkol sa Nankai Trough Earthquake.
# Pagguho ng lupa
- Ipapakita ang kalagayan ng pagtatalaga ng mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa.
# Imbakan ng tubig
- Ipapakita ang maximum na lalim ng tubig at oras ng pagdating ng baha dulot ng pag-apaw ng imbakan ng tubig.
# Malapit na evacuation area
- Ipapakita ayon sa lapit ang mga malapit na itinalagang evacuation center / itinalagang emergency evacuation area.
- Kapag pinili ang uri ng sakuna, ipapakita ang evacuation area na tumutugon sa sakunang iyon.
- Awtomatikong magpapalit ang uri ng sakuna ayon sa mapa, ngunit maaari rin itong manwal na baguhin.
- Ipinahihiwatig ng ★ ang Antas ng kaligtasan ng evacuation area para sa kinauukulang sakuna.
- Ang layo at oras ay gabay sa layo at kailangang oras kung lalakarin ang pinakamalapit na ruta mula sa piniling lugar hanggang sa evacuation area.
- Kapag pinili ang , ipapakita ang mapa at pinakamaikling ruta.
Mangyaring kumilos ayon sa sarili ninyong pagpapasya
Hindi isinasaalang-alang ang panganib tulad ng pagkabaha ng kalsada at iba pa sa pinakamaikling ruta na ipapakita. Kapag aktuwal na lilikas, mangyaring tiyakin muna ang kaligtasan at saka lumikas.
# Elevation
- Ipapakita ang elevation ng piniling lugar.
- Batay ang elevation na ito sa Fundamental Geospatial Data Digital Elevation Model (Airborne Laser Surveying) ng Geospatial Information Authority of Japan.
# Latitude at longitude
- Ipapakita ang mga coordinate ng latitude at longitude ng piniling lugar.
- Kapag dinouble-click ang mga coordinate, magpapalit ang ipapakitang yunit ng coordinate.