# Mapa
# Mapa para makatakas sa baha / pagguho ng lupa
Ang mapa para makatakas ay mapa para matiyak kung anong kilos ang gagawin at kung kailan iyon dapat gawin. Ipinapakita nito ang tinatayang lalim ng pagkalubog mula sa baha, mga pook na may panganib na magiba ang mga bahay at gusali, at tagal na magpapatuloy ang pagkalubog dulot ng malakas na pag-ulan na nangyayari isang beses sa loob ng mga 1000 taon, at mga pook na may panganib ng pinsala sa tao dulot ng pagguho ng lupa. Kapag pumili ng lugar, maaaring matiyak kung maaaring manatili sa inyong bahay sa oras ng malawakang pagbaha mula sa ipapakitang Pagtiyak para makatakas sa baha / pagguho ng lupa.
Mangyaring kumilos ayon sa sarili ninyong pagpapasya
Binatay lamang sa isang tinayang senaryo ang resulta ng pagtiyak na ipapahiwatig sa Pagtiyak para makatakas sa baha / pagguho ng lupa. Dahil maaaring hindi mangyari ang aktuwal na pagbaha tulad nito, mangyaring bigyan ng pansin ang impormasyon tungkol sa panahon, impormasyon sa taas ng tubig, impormasyon sa paglikas, at iba pang kalagayan sa inyong paligid, at kumilos nang nararapat ayon sa sarili ninyong pagpapasya.
# Mga pook na tinatayang malulubog sa baha
Ipapakita ang mga pook na tinatayang malulubog ayon sa ilog, at sa scale ng baha na nilikha ng Kinan Office of River and National Highway, Kinki Regional Development Bureau ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism at ng Wakayama Prefecture.
# Ilog
Pipili ng ilog.
# Scale
Pipili ng scale ng baha.
- Scale para sa pagpaplano
- Pagkalubog dulot ng pag-ulan na palatandaan sa maintenance ng ilog
- Tinatayang maximum na scale
- Pagkalubog dulot ng malakas na pag-ulan na nangyayari isang beses sa loob ng mga 1000 taon
# Mga uri
Pipiliin ang nilalamang ipapakita.
- Lalim ng pagkalubog
- Maximum na lalim ng pagkalubog
- Oras ng patuloy na pagkalubog sa baha (tinatayang maximum na scale lamang)
- Oras na magpapatuloy ang pagkalubog na 50 cm o higit pa
# Mga pook na tinatayang malulubog sa tsunami
Ipinapakita nito ang mga pook na malulubog sa tsunami na nilikha ayon sa pagtataya batay sa "Nankai Trough Megaquake" at "Magkasabay na Tokai, Tonankai, at Nankai Earthquake" na isinapubliko ng Wakayama Prefecture noong Marso 2013.
Lindol | Magnitude | Maximum na taas ng tsunami | Oras ng pagdating |
---|---|---|---|
Magkasabay na Tokai, Tonankai, at Nankai Earthquake | 8.7 | 7 m | 11 minuto |
Nankai Trough Megaquake | 9.1 | 14 m | 5 minuto |
# Mga uri
- Area na malulubog
- Ipinapakita ang saklaw ng pagkalubog sa tsunami dulot ng 2 lindol
- Lalim ng pagkalubog sa tsunami ng Nankai Trough Megaquake
- Ipinapakita ang lalim ng pagkalubog sa tsunami dulot ng Nankai Trough Megaquake
- Oras ng pagdating ng tsunami ng Nankai Trough Megaquake
- Ipinapakita ang oras ng pagdating ng tsunami dulot ng Nankai Trough Megaquake. Ipinapahiwatig ng oras ng pagdating ang oras hanggang dumating ang tsunami na may lalim ng pagkalubog na 1 cm mula nang nangyari ang lindol.
# Mga pook na sakop sa paunang paglikas sa oras na inanunsyo ang emergency information tungkol sa Nankai Trough Earthquake
Ipinapakita ang mga pook na magsasagawa ng paunang paglikas kapag inanunsyo ang emergency information tungkol sa Nankai Trough Earthquake (payong mag-ingat sa megaquake).
Pangalan | Pagpapalagay | Mga pook na sakop |
---|---|---|
Mga pook na sakop sa paunang paglikas ng mga residente | Mga pook kung saan dapat magpatuloy na lumikas nang 1 linggo ang lahat ng mga residente atbp. bilang paghahanda sa mga kasunod na lindol | Kumanoji 2-chōme, Akebono, bahagi ng Ōji-chō 2 at 3-chōme |
Mga pook na sakop sa paunang paglikas ng matatanda atbp. | Mga pook kung saan dapat magpatuloy na lumikas nang 1 linggo ang matatanda at iba pang taong kailangan ng pagsasaalang-alang bilang paghahanda sa mga kasunod na lindol | Asuka 1-chōme, Kumanoji 1 at 2-chōme, Akebono, Ōji-chō 1, 2 at 3-chōme, Tazuhara-chō 2-chōme, Miwasaki 1, 2 at 3-chōme |
# Nakatalang pinsala dulot ng pagkalubog
Ipinapakita ang mga pook na nagkaroon ng pinsala dulot ng pagkalubog dahil sa malakas na buhos ng ulan o bagyo sa nakaraan.
Maaaring palitan ang ipakita/huwag ipakita para sa bawat item sa nakatalang pinsala dulot ng pagkalubog.
Babala
- Nakalagay lamang sa nakatalang pinsala dulot ng pagkalubog ang mga lugar na nakumpirma sa pagmamapa ng mga litrato at pagtatanong sa mga residente.
- Tungkol sa mga naitala bago ng Typhoon No. 12 (Talas) noong 2011, nakalagay lamang ang nakatala para sa distrito ng Shingu.
# Mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa
Ipinapakita ang mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa na itinalaga ng Wakayama Prefecture.
Maaaring palitan ang ipakita/huwag ipakita para sa bawat uri sa mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa.
# Mga uri ng pagguho ng lupa
- Pagguho ng matarik na dalisdis
- Biglang pagguho ng dahilig dahil sa epekto ng ulan, lindol, at iba pa, kapag nabuhaghag ng tubig na tumagos sa lupa ang dahilig
- Daloy ng mga bato at lupa
- Pagkatangay sa agos pababa sa isang iglap ng mga bato, lupa at buhangin sa bundok at ilalim ng ilog dulot ng matagal na pag-ulan, malakas na buhos ng ulan, at iba pa
- Landslide
- Mabagal na pagguho ng lupa sa malawak na saklaw dahil sa epekto ng groundwater at iba pa
# Mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa at mga pook na binabalaang mag-ingat sa pagguho ng lupa
- Mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa
- Mga pook ng lupa kung saan kinikilalang may panganib na magkaroon ng pinsala sa buhay o pangangatawan ng mga residente atbp. kung may nangyaring pagguho ng matarik na dalisdis atbp. na mga pook ng lupang lalo nang dapat isaayos ang sistema ng pagpapayong mag-ingat at lumikas para maiwasan ang pagguho ng lupa
- Mga pook na binabalaang mag-ingat sa pagguho ng lupa
- Sa mga pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa na nakasulat sa itaas, mga pook ng lupa kung saan kinikilalang may panganib na masira ang mga gusali at magkaroon ng pinsala sa buhay o pangangatawan ng mga residente atbp. kung may nangyaring pagguho ng matarik na dalisdis atbp. na mga pook ng lupa kung saan dapat magtakda ng limitasyon sa paglilinang at regulasyon sa istraktura ng mga gusaling may silid para sa tirahan
# Hazard Map ng mga Imbakan ng Tubig
Ipinapakita ang saklaw, lalim, at oras ng pagdating ng pagkalubog sa baha kung nagiba ang imbakan ng tubig dahil sa lindol o malakas na pag-ulan, at napakawalan kapagdaka ang lahat ng naimbak na tubig. Maaaring palitan ang ipakita/huwag ipakita para sa bawat imbakan ng tubig sa hazard map ng mga imbakan ng tubig.
# Imbakan ng Tubig
- Pangalan
- Pipiliin ang pangalan ng imbakan ng tubig. Kung pinili ang "Lahat," ipapakita ang mapa kung saan pinagsama ang lahat ng tinatayang pagkalubog sa baha.
- Lalim ng pagkalubog
- Maximum na lalim kung nagiba ang imbakan ng tubig
- Oras ng pagdating
- Oras hanggang dumating ang pagkalubog sa baha mula nang magiba ang imbakan ng tubig
# Itinalagang evacuation center / itinalagang emergency evacuation area
Ipinapakita ang mga itinalagang evacuation center at itinalagang emergency evacuation area na tumutugon sa kinauukulang sakuna.
- Itinalagang evacuation center
- Mga pasilidad para matuluyan ng mga residente atbp. na lumikas dahil may panganib ng sakuna, o mga residente atbp. na hindi makabalik sa bahay dahil sa sakuna (mga pasilidad para sa "pamumuhay sa evacuation center" ng mga residente atbp. na hindi makabalik sa kanilang bahay na napinsala pagkatapos mangyari ang sakuna)
- Itinalagang emergency evacuation area
- Mga pasilidad o lugar na tumutupad sa takdang pamantayan ng kaligtasan atbp. para sa bawat uri ng hindi karaniwang penomeno tulad ng baha, tsunami at iba pa, bilang evacuation area kung may nangyari o may panganib na mangyari ang sakuna, para makatakas mula sa panganib na iyon (mga pasilidad o lugar na lilikasan panandalian (pansamantala) kapag may emergency para makatakas mula sa sakuna.)
# Antas ng kaligtasan
Ipinapahiwatig ng bilang ng ★ ang antas ng kaligtasan ng itinalagang evacuation center / itinalagang emergency evacuation area.
Mangyaring mag-ingat
Kapag paglilikasang walang ★, hindi maaaring lumikas sa oras ng sakunang iyon.
Karagdagang impormasyon
Ipinapahiwatig ng ★ ang evacuation area sa loob ng gusali, at ng ☆ ang evacuation area sa labas.
# Mga evacuation area sa sakuna ng hangin at tubig (baha at pagguho ng lupa)
Antas ng kaligtasan | Pagpapalagay |
---|---|
★★★ | Sapat ang kaligtasan kahit magkaroon ng pagguho ng lupa o pagkalubog sa baha |
★★ | Maaaring isiguro ang tiyak na antas ng kaligtasan kahit magkaroon ng pagguho ng lupa o pagkalubog sa baha |
★ | Hindi binubuksan kung tinataya ang malawakang sakuna atbp., o kahit buksan, may posibilidad na isara kung may papalapit na panganib |
★(Paunawa) | Dahil nasa pook na pinapayuhang mag-ingat sa pagguho ng lupa, kailangang magtungo sa mas ligtas na mapaglilikasan |
# Evacuation area para sa tsunami
Antas ng kaligtasan | Pagpapalagay |
---|---|
★★★ | Ligtas na lugar na mataas ang elevation at walang panganib ng pagkalubog |
★★ | Emergency evacuation area kapag malapit sa lugar na tinatayang malulubog at walang oras para lumikas sa lugar na may antas ng kaligtasan 3 |
★ | May panganib ng pagkalubog, emergency evacuation area ito kapag walang oras na lumikas sa lugar na may antas ng kaligtasan 2 o 3 |
# Listahan ng mga itinalagang evacuation center / itinalagang emergency evacuation area
Ipinapakita ang listahan ng mga itinalagang evacuation center / itinalagang emergency evacuation area Maaaring maghanap gamit ang pangalan ng pasilidad, kinaroroonan, tinutugunang sakuna, at antas ng kaligtasan.