# Paggamit
# Pagpili ng Mapa
- Piliin ang mapang nais ipakita mula sa listahan ng mga mapa sa kaliwa ng screen.
Karagdagang impormasyon
- Sa ilang mapa, may setting para palitan pa ang ipinapakita. Para sa mga detalye, pindutin ang at sanggunian ang paliwanag.
- Kapag hindi ipinapakita ang listahan ng mga mapa, pindutin ang sa kaliwang itaas ng screen.
- Kapag pinindot ang , hindi ipapakita ang listahan ng mga mapa.
- Para ikansela ang piniling mapa, pindutin ang Ikansela ang pagpili sa ibaba.
# Paglipat-lipat sa mga mapa
- Pindutin ang mouse sa ibabaw ng mapa para (i-drag / i-swipe) iyon sa ibang lugar.
- Pindutin ang (← → ↑ ↓) na cursor key sa keyboard.
# Palakihin / Paliitin ang Mapa
- Paikutin ang mouse wheel sa ibabaw ng mapa.
- Pindutin ang button na + / - sa ibabaw ng mapa.
- Pindutin ang key na + / - sa keyboard.
- Kung magagamit ang touchscreen, idiit ang dalawang daliri sa mapa at ilayo o ilapit ang pagitan ng mga daliri (pinch-to-zoom).
# Pagpapaikot ng mapa
- Habang pinipindot ang na CTRL, i-click ang mouse sa ibabaw ng mapa para ilipat (i-drag) ito sa ibang lugar.
- Kung magagamit ang touchscreen, idiit ang dalawang daliri sa mapa, gawing axis ang isang daliri at paikutin gamit ang kabilang daliri.
Karagdagang impormasyon
- Kung umiikot ang mapa, ipapakita ang sa ibabaw ng mapa.
- Kapag pinindot ang , mare-reset ang pag-ikot.
# Paghahanap ng lugar gamit ang pangalan noon
- I-click ang sa itaas ng screen.
- I-enter ang pangalan ng lugar sa kahon para sa paghahanap, at piliin ang lugar na nais ipakita mula sa mga mapagpipilian.
Karagdagang impormasyon
- Kapag pinindot ang , maki-clear ang ini-enter sa kahon para sa paghahanap.
- Kapag pinindot ang , hindi ipapakita ang kahon para sa paghahanap.
# Pagsangguni sa impormasyon sa posisyon
- I-click ang kanan ng mouse sa mapa para piliin ang Italaga ang lugar mula sa ipapakitang tool menu.
- Pindutin ang lugar na nais sanggunian ang impormasyon mula sa mapa.
- Sanggunian ang ipapakitang panel ng impormasyon.
# Pagpapakita / pag-track ng kasalukuyang lokasyon
- Pindutin ang button na sa ibabaw ng mapa.
- Kapag pinili ang Pagpili, ipapakita ang impormasyon sa kasalukuyang lokasyon.
- Kapag pinili ang Pag-track, regular na ia-update ang kasalukuyang lokasyon. At kung may orientation sensor, iikot ang mapa para nasa itaas ng screen ang direksyon kung saan nakaharap ang device.
Mangyaring tandaan
- Maaaring humingi ng pagkumpirma sa pagkuha ng impormasyon sa lokasyon depende sa browser.
- Magagamit lamang ang function na ito sa device kung saan gumagana ang GPS.
# Pagsukat ng layo
- Pindutin ang button na sa ibabaw ng mapa, o i-click ang kanan ng mouse at piliin ang
Pagsukat ng layo
mula sa ipapakitang tool menu. - Pindutin ang button na Layo sa diretsong linya o Layo sa kalsada mula sa panel ng pagsukat.
- Pindutin ang lugar na gagawing starting point para sa pagsukat ng layo sa mapa.
- Pindutin ang lugar na gagawing gitnang point at end point para sa pagsukat ng layo sa mapa.
- Sanggunian ang ekstensyon at oras ng paglalakbay kapag lalakarin na ipapakita sa panel ng pagsukat.
Karagdagang impormasyon
- Maaaring ilipat sa ibang lugar ang starting point at end point.
- Kapag ginalaw ang mouse sa ibabaw ng linya, mapapalitan ng ang cursor ng mouse. Kapag clinick sa ganitong kalagayan, maaaring magdagdag ng gitnang point.
- Maaaring burahin ang starting point/gitnang point/end point sa pamamagitan ng pag-click nito. At kapag pinindot naman ang button na Burahin, mare-reset ang lahat ng punto.
- Kapag clinick ang button na , matatapos ang mode ng pagsukat.
- Kinalkula ang oras ng paglalakbay mula sa bilis ng paglakad na isinet sa Setting.
# Pagpapakita ng cross-section map (elevation map)
- Pindutin ang button na sa ibabaw ng mapa, o i-click ang kanan ng mouse at piliin ang
Pagsukat ng layo
mula sa ipapakitang tool menu. - Pindutin ang button na Layo sa diretsong linya o Layo sa kalsada mula sa panel ng pagsukat.
- Pindutin ang lugar na gagawing starting point ng cross-section map ng lupain sa ibabaw ng mapa.
- Pindutin ang lugar na gagawing gitnang point at end point ng cross-section map ng lupain sa ibabaw ng mapa.
- Pindutin ang button na Lupain sa kanan ng panel ng pagsukat.
- Sanggunian ang cross-section ng lupaing ipapakita sa panel ng pagsukat.
Karagdagang impormasyon
- Maaaring ilipat sa ibang lugar ang starting point at end point.
- Kapag ginalaw ang mouse sa ibabaw ng linya, mapapalitan ng ang cursor ng mouse. Kapag clinick sa ganitong kalagayan, maaaring magdagdag ng gitnang point.
- Kapag ginalaw ang cursor ng mouse sa ibabaw ng cross-section map, ipapakita ang panturo sa lugar na iyon sa ibabaw ng mapa.
- Kapag clinick ang button na , matatapos ang mode ng pagsukat.
# Mga setting ng background at iba pa
Kapag pinindot ang button na , ipapakita ang menu para baguhin ang background ng mapa at iba pa.
# Background
- Road map
- Ipakita ang mapa kung saan malinaw na makikita ang mga kalsada sa background.
- Aerial photo
- Ipakita ang aerial photo sa background.
- Topograpikong mapa
- Ipakita ang mapang pinag-iba ang kulay ayon sa elevation sa background.
# Ipakita / Huwag ipakita
Palitan ang pagpapakita / hindi pagpapakita ng elemento sa ibabaw ng mapa.
# Pagpapakita ng impormasyon sa oras ng pagpili
Palitan ang pagpapakita ng detalyadong impormasyon kapag pinili sa ibabaw ng mapa.
# Mapa ng sakuna
- Ipakita sa harapan
- Ipakita sa harapan ang mga area na malulubog at iba pang mapa ng sakuna.
- Transparency
- Baguhin ang transparency (pagkasilag) ng mga area na malulubog at iba pang mapa ng sakuna.
# Elevation
- Kulay ng elevation at threshold
- Italaga ang setting ng kulay at threshold ayon sa elevation.
- Reset
- Ibalik sa pamantayang halaga ang kulay at threshold ng elevation.
- Shading strength
- Baguhin ang shading strength.
- Gradation
- Dagdagan ang kulay ng elevation para ipakita nang may gradation.
Tandaan
Ipapakita lamang ang elevation kung ginawang topograpikong mapa ang background ng mapa.
# Pag-print ng mapa
- Piliin ang
I-print...
mula sa menu na sa kanang itaas ng screen. - Piliin ang size ng papel na gagamitin sa pag-print.
- Kapag pinindot ang button na
I-print, ipapakita ang print dialog box ng browser.
Karagdagang impormasyon
- Mangyaring tiyakin na naka-set sa landscape o pahiga ng itinalagang size ang papel para sa pag-print.
- Kapag ginamit ang mapa sa main screen, maaaring i-adjust ang saklaw ng ipi-print.
Mangyaring tandaan
- Hindi magagamit ang function na ito sa browser liban sa nakasulat sa Inirerekomendang environment.
# Output ng PDF ng mapa
- Piliin ang
Output ng PDF...
mula sa menu na sa kanang itaas ng screen. - Gawin ang setting para sa pamagat, size, direksyon, margin ng ilalabas na PDF file.
- Kapag pinindot ang button na
Output, ida-download ang ipinapakitang mapa bilang PDF file.
Mangyaring tandaan
- Hindi magagamit ang function na ito sa browser kung saan gumagana ang Pag-print ng mapa o sa ilan pang ibang browser.
# Output ng image ng mapa
- Piliin ang
Output ng image...
mula sa menu na sa kanang itaas ng screen. - Kapag pinili ang size ng image at pinindot ang button na
Output, ida-download ang mapa bilang PNG file.
# Pagkuha ng link para sa pag-share
- Piliin ang
Share link
mula sa menu na sa kanang itaas ng screen. - Ipapakita ang URL ng link para sa pag-share.
Karagdagang impormasyon
- Kapag pinindot ang Kopya, makokopya sa clipboard ang URL ng link para sa pag-share.
- Kapag pinindot ang QR code, ipapakita ang QR code na tumutukoy sa URL ng link para sa pag-share.
Mapa →